10-day organic agriculture training sa mga magsasaka sa Cauayan City, sinimulan na

Sinimulan na ngayong buwan ng Hunyo ang 10 araw na Organic Agriculture Training sa mga magsasaka sa Cauayan City Farmers Training Center.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay City Agriculturist Engr. Ricardo Alonzo, ang naturang aktibidad ay isinasagawa sa pakikipag-ugnayan sa City Planning Development Council at TESDA.

Aniya mayroong nasa 25 na mga farmers ang nagsasailalim sa nasabing pagsasanay.

Sa pamamagitan nito, magkakaroon sila ng hands-on training sa paggawa ng organic fertilizer at organic pesticides at maaaring makakuha ng National Certificate level (NC) II pagkatapos maassess ng TESDA.

Aniya, ang mga participants sa isinasagawang training ay ang mga magsasaka na nais sumailalim sa naturang pagsasanay na matatapos sa June 10, 2021.

Ayon pa kay Engr. Alonzo, sakaling maging matagumpay ang nasabing aktibidad ay muling hihiling ang CAO ng pondo sa TESDA at City government upang marami pa ang mga magsasaka ang matuto sa paggamit ng organic agriculture.

Paliwanag pa niya, mainam ito ngayong panahon kung saan marami ang gumagamit ng iba’t-ibang mga pestisidyo na kemikal at lason ngunit sa pamamagitan ng organic agriculture ay ligtas sa kalusugan at kalikasan ang mapo-produce na crops.

Samantala, nagpapatuloy din aniya ang ginagawang pamamahagi ng mga city agricultural extension workers ng binhi sa mga rice farmers sa syudad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *