10 fatalities, 99 new cases, 20 recoveries sa Covid-19, naitala ngayong araw sa Bicol

BNFM BICOL—Pumapalo na sa 309 (3.65%) ang total COVID-19 death toll sa Bicol region matapos madagdagan ng panibagong sampong nasawi ngayong araw. Anim nito ay mula sa Masbate, dalawa sa Camarines Norte at dalawa rin sa lalawigan ng Sorsogon.

99 na bagong kaso ang naitala kung saan 56 nito ay mula sa lalawigan ng Camarines Sur.

Walo ang mula sa bayan ng Nabua, tig-aabnim ang Naga City, Iriga City at bayan ng San Fernando, apat sa bayan ng Bula at Canaman, tigtatatlo ang mga bayan ng Bato, Pasacao at Pili, tigdadalawa naman ang mga bayan ng Cabusao, Lagonoy, Libmanan at Tigaon at tig-iisa naman ang mga bayan ng Buhi, Camaligan, Magarao, Pamplona at Tinambac.

Ang lalawigan ng Albay ay nagtala ng 30 bagong kaso kung saan sampo nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, siyam sa bayan ng Daraga, apat sa bayan ng Guinobatan, dalawa sa bayan ng Bacacay at lungsod ng Ligao at tig-iisa ang mga bayan ng Camalig, Libon at lungsod ng Tabaco.

Pitong kaso naman ang nadagdag sa lalawigan ng Catanduanes kung saan anim nito ay mula sa bayan ng Panganiban at isa sa bayan ng Bagamanoc.

Limang kaso ang naitala sa lalawigan ng Sorsogon na pawang mula sa Sorsogon City habang may isa namang mula sa labas ng Bicol na taga Caloocan City.

Samantala, 20 bagong recoveries naman ang nadagdag ngayong araw, 18 nito ay mula sa Sorsogon at dalawa naman ang mula sa lalawigan ng Camarines Norte.

Sa ngayon, pumapalo na sa 5,770 (68.12%) ang mga gumaling sa sakit sa rehiyon. Sa kabuuan, mayroon nang 8,470 na COVID-19 cases ang Bicol kung saan 2,391 (28.23%) nito ang aktibong kaso.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang BIDA Solusyon sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

B-Bawal ang walang Mask; I-Isanitize ang mga kamay. Iwas-hawak sa mga bagay-bagay; D-Dumistansya ng isang metro at A-Alamin ang totoong impormasyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *