Arestado ang 10 kalalakihan na kinabibilangan ng isang menor de edad matapos maaktuhan sa iligal na pagmimina sa Brgy. D’Leano, Claveria, Cagayan.
Kinilala ang mga suspek na sina Edgene Caligan, Reylie Acob, Noel Inocencio, Joel Caligan Jr., Rhayan Avanzado, Oscar Avanzado, Noel Avanzado at Clarence Magayano Sr. na pawang residente ng naturang bayan.
Habang huli rin sina Keith Reeve Julaquit at alyas Dodong na mula naman sa Conner, Apayao.
Batay sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Police Regional Office No. 2, isinumbong umano ng mga opisyal sa barangay ang naturang iligal na gawain na agad namang tinugunan ng mga otoridad.
Ikinasa ang operasyon ng pinagsanib-pwersa ng Western Cagayan Maritime Police Station (MARPSTA) – Maritime Group, Explosive Ordinance Disposal and Canine (EOD K9) Unit and Claveria Police Station kung saan huli sa aktong pagmimina ang mga suspek.
Narekober ng mga operatiba sa pag-iingat ng mga suspek ang isang set ng water pump, 2 piraso ng steel mallet, 1 yunit ng hand held radio, 2 piraso ng blasting cap (ordinary), 1 piraso ng five-feet time fuse (ordinary), nasa 50grams ng Ammonium fuel oil (ANFO), 1 litro ng gasolna at 4 na piraso ng steel chisel.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7076 o People’s Small-scale Mining Act of 1991 ang mga naarestong suspek habang inendorso naman ang menor de edad sa Claveria Municipal Social Welfare and Development Office para sa kanilang tamang disposisyon.
NAKA KUSTODIYA karon sa Bula Police Station ang duha ka lalaki nga gidakop sa hiniusang…
KORONADAL CITY – UMABOT sa P 281.2 million na halaga ng cash assistance at livelihood…
POSIBLENG sa adlaw’ng Lunes pa pormal nga mapasaka sa kapulisan ang kaso batok suspek sa…
GIKWESTYON sa konsehal sa sesyon sa konseho ang kaandam sa LGU-GenSan sa epekto sa El…
LEGAZPI CITY - Aabot sa mahigit 6,000 na mga estudyante ang nakatanggap na ng cash…
Nagsagawa ng Lakad Dasal para sa Kalikasan, Kaligtasan, Katotohanan at Katarungan ang mga Sariayahin upang…