Local News

10 miyembro ng rebeldeng NPA, sumuko sa Sultan Kudarat

KORONADAL CITY — SAMPUNG miyembro ng rebeldeng New People’s Army o NPA na kinabibilangan ng mga guro ang boluntaryong sumuko sa gobyerno sa bayan ng Lebak sa Sultan Kudarat.

Sinabi ni Police Major Rodney Binoya, hepe ng Lebak PNP na aktibong miyembro ng Far South Mindanao Region (FSMR) Cherry Mobile Platoon ang mga sumukong rebelde.

Ayon kay Ka Goy, isa sa mga sumuko sa Barangay Tibpuan, Lebak, na wala na silang mapupuntahan dahil sa mga pangakong napako ng kanilang mga lider. Pagod na rin umano sila sa giyera laban sa gobyerno.


Kinumperma din ni Binoya na mga guro na impluwensiyado ng mga NPA sa mga bulubunduking bahagi ng lalawigan ang kabilang sa mga sumuko.

Agad namang nakatanggap ng financial assistance mula sa gobyerno ang mga sumuko sa ilalim ng End Local Communist Armed Conflict program bilang kapalit sa armas na bitbit ng mga ito sa kanilang pagsuko.
Sa ngayon, nananatili ang mga ito sa police station ng Lebak para sa debriefing.

BNFM Koronadal

Recent Posts

Iba, Zambales – umabot sa 53 degrees celsius ang heat index

Pumalo sa 53 degrees celsius ang heat index sa Iba, Zambales, kahapon. Ito ay nasa…

3 mins ago

NCRPO, nanawagan sa PISTON at MANIBELA na gawing mapayapa ang tigil-pasada

Magde-deploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng halos 8K nilang mga tauhan mamayang…

7 mins ago

Motortaxi rider – arestado matapos magbenta ng shabu sa kanyang mga pasahero

Arestado ang isang motorcycle taxi rider matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa kanyang mga pasahero…

13 mins ago

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago