Magde-deploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng halos 8K nilang mga tauhan mamayang alas-kuwatro ng umaga para tiyaking mapayapa ang pagsasagawa ng transport strike ng grupong PISTON at MANIBELA ngayong araw.
Ayon kay Police Lt. Col. Eunice Salas, spokesperson ng NCRPO, handa silang magbigay ng libreng sakay sa mga apektadong pasahero.
Aniya, nasa 160 na mga patrol car ang naka-standby sa iba’t ibang distrito ng Metro Manila.
Mahigpit nilang babantayan ang lungsod ng Manila at Quezon dahil kamakailang tigil-pasada ay nagdulot ito ng pagkaantala sa daloy ng trapiko nang ‘ibalagbag’ ng mga jeepney driver ang kanilang mga jeep.
Dahil dito, patuloy na nananawagan ang NCRPO na gawing mapayapa at mahinahon ang kanilang programa.
LEGAZPI CITY - Pinag-aandaman na kan lokal na gobyerno kan Camalig, Albay an pagbabalik kan…
LEGAZPI CITY - Isinagibo kan nakalihis na semana an District Elections 2024 kan Albay Electric…
KORONADAL CITY – HANDA ang opisina ng Sangguniang Panlungsod o SP Support Services ng Koronadal…
LEGAZPI CITY – Arestado kan mga otoridad sa banwaan kan Daraga an lalaking pigkokonsiderar na…
LEGAZPI CITY – Pigkakakalkulong nasa 87,000 hasta 90,000 katawo an mga nag-atendir sa opening concert…
KORONADAL CITY – NAKINABANG sa ipinamahaging Presidential sa Isulan, Sultan Kudarat ang nasa 10,000 mga…