10% ng mga employer sa sakop ng SSS Naga branch konsideradong delinquent

NAGA CITY- 10% ng 12, 489 na mga employers ang maikukunsiderang delinquent employer ayon sa Social Security System Naga Branch.

Sa ikalimang  Run After Contribution Evaders (RACE) campaign ngayong taon, nabanggit na ngayong 2022 nakapag issue na ang 14 demand letters ang SSS Naga Branch na nakakasakop ng apat na distrito ng Camarines Sur kasama na dito ang Naga City.  May apat na nakasuhan mula Enero hanggang Abril 2022 habang isa lamang noong 2021. Hindi gaano naging istrikto ang SSS dahil inintindi ang lagay ng mga employers sa kasagsagan ng pandemya ngunit  sa pagbangon mula sa krisis magiging istrikto na muli sa mga  non production of payroll at iba pang record, non-remittance  at ilan pa.   Hindi kasi makukuha ng mga empleyado ang kanilang benipisyo kung hindi ito prayoridad ng employer.

Ayon kay Vice President- Luzon Bicol Division Elenita Samblero, kapag binibisita nila ang mga establishments  at nakakausap ang employer marami naman ang nag co-comply upang hindi na humantong sa legal matters o kakasuhan.

Kahapon, anim na mga establishments ang subjected na sa RACE, tinungo ang mga pwesto, ipinaliwanag sa kanila ang karapatan ng mga empleyado at inabisuhan kung ano ang nararapat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *