10 panibagong kaso ng COVID-19 naitala sa lalawigan ng Camarines Norte ngayong araw

CAMARINES NORTE- Sumampa na sa 614 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Norte matapos na muling makapagtala ng 10 panibagong kaso ang DOH Bicol ngayong araw

Ang mga panibagong kaso ay naitala sa bayan ng Mercedes na may 3, may 2 panibagong kaso naman ang bayan ng Basud at Daet habang may tig-i-isang kaso naman ang bayan ng Sta. Elena, Talisay at Vinzons

Kaugnay nito,  ang lalawigan ay mayroon ng 220 na aktibong kaso

Habang wala namang naitalang nakarekober sa sakit kung kaya’t nananatili ang kabuuang bilang nito sa 364 gayundin sa bilang ng mga nasawi na may 30

Kamakailan sa ipinalabas na advisory ng Provincial IMT, pinapayagan na ang 10 taong gulang hanggang 66 anyos ang edad na lumabas ng kanilang tahanan

Ngunit nilinaw rin dito na ang mga menor de edad na lalabas ng kanilang tahanan ay kinakailangang may kasamang mga magulang o guardian

Sa kabila nito, Patuloy na nagpapaalala ang mga lokal na Pamahalaan na ipagpatuloy ang pagsunod sa ipinapatupad na minimum Health Protocols lalo na at sunod-sunod ang naitatalang panibagong kaso ng sakit sa lalawigan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *