10 pulis NCRPO, sibak sa pwesto, 17 suspended dahil sa umano’y iligal na operasyon

Tuluyan nang sinibak sa serbisyo ang 10 mga pulis na pawang nakatalaga sa Southern Police District ng National Capital Region Police Office o NCRPO.

Ito’y dahil sa iba’t-ibang paglabag sa umano’y iligal na pag-aresto sa mga Chinese nationals sa Parañaque City noong Setyembre nakaraang taon.

Batay ito sa General Order ay inilabas ni NCRPO Director MGen. Jose Melencio Nartatez Jr. at pirmado ni Col. Rodel Pastor ng NCRPO regional personnel and records management division

Ang sampu ay sangkot sa ibat-ibang mga kaso at pawang na pawang naisailalim na sa pagdinig sa NAPOLCOM.

Kabilang sa mga kasong kinakaharap ng sampung mga pulis na ito ay grave misconduct, grave irregularity in the performance of duty, grave neglect of duty, conduct unbecoming of a police officer, less grave misconduct at less grave neglect of duty.

Samantala, bukod sa sampung pulis, 7 pa ang na-demote habang 17 ang pinatawan naman ng suspensyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *