100 Anakpawis members at 50 former rebels sa Cagayan; nanumpa ng allegiance sa gobyerno

Nasa 100 mga kasapi ng ANAKPAWIS at 50 na mga dating rebelde ang tumiwalag sa kanilang kinabibilangang organisasyon at nanumpa ng allegiance sa gobyerno sa San Juan, Pamplona, Cagayan.

Ito ay sa pangunguna ng PNP Regional Office 2, Marine Battalion Landing 10, 17th Infantry Battalion Phil. Army, 501st Brigade Phil. Army, Provincial Government of Cagayan, LGU Pamplona, DILG, DSWD, NICA, PDEA, TESDA at Regional Task Force ELCAC.

Kasabay din ng naturang aktibidad ay iprinisinta ng RTF-ELCAC ang mga programa at proyekto ng gobyerno para sa lahat ng mga sumusukong mga rebelde.

Samantala, inihayag naman ni Police Colonel Romaldo Bayting, Deputy Regional Director for Operations ng PRO2 na nakahanda ang kapulisan sa pamumuno ni PBGen Crizaldo Nieves na suportahan ang mga proyekto ng pamahalaan at mailapit ang serbisyo ng gobyerno sa komunidad sa ilalim ng “Lingkod Bayanihan” Program.

Namahagi rin ang PRO2 ng mga food packs at bigas sa mga former rebels bilang bahagi parin ng “Lingkod Bayanihan” Program.

Leave a Reply

Your email address will not be published.