Human Interest

$100 million na halaga ng mamahaling bato nahukay sa ginagawang balon sa Sri Lanka

RATNAPURA, Sri Lanka–Hindi akalain ng grupo ng mga trabahante sa Sri Lanka na higit pa sa yamang tubig ang kanilang masusumpungan sa paghuhukay ng balon sa isang bakuran sa Ratnapura city.

Ayon sa local authorities doon, isang Serendipity Sapphire ang nahukay ng mga manggagawa sa bakuran ng gem trader na si Gamage.

Tumitimbang ito ng 1,124 pounds o 2.5 million carats at ayon sa mga eksperto ay posibleng umabot ng hanggang $100 million ang halaga nito sa international market.

Ayon kay Gamage, una ay nakatagpo ng mga kakaibang bato ang mga naghuhukay ng balon at kalaunan ay nasumpungan nila ang napakalaking sapiro.

Anya, maraming mga batong nakuha sa lugar ang kumpirmadong high-quality star sapphires.

Ang pangalang Ratnapura na isang malaking lungsod sa Sri Lanka ay nangangahulugan bilang “city of gems” sa Sinhalese. Ang lungsod na ito ay kilala bilang gem capital ng Sri Lanka. || Shiela Madrigalejos

BNFM Bicol

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago