100 pamilya sa Juban, ililikas kapag itinaas na sa Alert Level 2 ang Bulkang Bulusan

Nakatutok ngayon ang Juban Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa dalawang barangay na siyang pinakaapektado oras na muling mag- alburoto ang Bulkang Bulusan.

Ayon sa MDRRMO, ipatutupad nila ang preemptive evacuation sa 100 pamilya mula sa  Barangay  Aniog at Puting Sapa oras na iniakyat sa Alert Level 2 ang aktibidad ng bulkan.

Mababatid na umabot sa mahigit 300 volcanic earthquake ang nairehistro ng PHILVOCS kahapon, Oktubre 13 kung kaya’t mula sa alert level 0 ay iniakyat ito sa Alert Level 1.

Pinaghahanda na rin ng PDRRMO ang bawat MDRRMOs na malapit sa palibot ng bulkan gaya ng mga bayan ng Irosin at Bulusan.

Sa pahayag naman ng OCD Bicol sa Brigada News Sorsogon, sinabi nito na nakahanda din sila sa isang ‘’worst-case scanario’’ sa mga lugar na nakapaligid sa Bulkang Bulusan.

Aniya pa, kung ano ang on-going na paghahanda nila sa Mt Mayon, ay ganoon din ang kanilang ginagawang paghahanda sa Mt. Bulusan.

Sa kasalukuyan, ang Mt Mayon ay nasa Alert Level 2 habang ang Mt Bulusan ay nananatiling nasa Alert Level 1 pa rin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *