100 trainees mula sa ilang TESDA programs, nakiisa sa isinagawang training and induction program sa Daraga, Albay

LEGAZPI CITY – Aabot sa 100 trainees mula sa ilang programa ng TESDA na kinabibilangan ng Dressmaking NC II, Cookery NC II at Bread and Pastry NCII ang lumahok sa isinagawang Training and Induction Program (TIP) sa bayan ng Daraga, Albay.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng nasabing bayan, bahagi ito ng Special Training for Employment Program (STEP) scholarship ng TESDA.

Ang nabanggit na programa ay isa umanong pagkakataon para sa mga trainees na mahasa pa sa kanilang technical skills na magagamit sa pagtatrabaho o sa sariling negisyo.

Maliban pa rito, nakakatulong din ang mga pagsasanay na gawaing ito ng TESDA sa pagkakaroon nila ng tamang pag-uugali, disiplina sa sarili at ethics na mahalaga sa trabaho.

Dumalo sa nasabing programa sina TESDA Assistant Regional Director Ruth Dayawen; representante ni 2D Albay Rep. Joey Salceda na si Hon. Dante Magayanes, at si DHRDC Vocational School Administrator III Dr. Joey Zamora kasama ang iba pang mga bisita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *