100% trust rating, target ng PNP

Target ng Pamunuan ng Philippine National Police na makamit ang 100% trust rating sa kanilang hanay.

Sa Flag raising ceremony kanina sa Kampo Crame , muling inulit ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., ang kanyang panawagan sa pwersa ng pulisya na maging professional , magkaisa at panatilihin ang pagsunod sa batas.

Wala rin daw dapat magbago sa tiwala at kumpiyansa ng tao sa kanilang organisasyon.

Ginawa ng PNP Chief ang panawagan dahil numero uno raw kasing dahilan na pagkakaroon ng “dysfunction” ng isang institusyon ay pulitika.

Maaalalang nauna nang ibinida ng PNP ang 80% trust rating mula sa OCTA survey at highest complaint resolution na natanggap nila mula naman sa Civil Service Commission.

Samantala, kinilala naman ng Department of Foreign Affairs kanina ang mga naging ambag ng PNP sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan hanggang sa ibayong dagat

Ito’y makaraang pangunahan ni DFA Sec. Enrique Manalo ang flagraising kanina bilang pagpaparangal sa 20 mga Pulis na naging bahagi ng peacekeeping force ng United Nations sa South Sudan

Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Manalo na bilang founding member ng United Nations, masigasig na nakikiisa ang Pilipinas sa pagpapanatili ng kapayapaan sa mga bansang nakararanas ng matinding sigalot

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *