100% vaccination rate nakikita sa Naga City bago magtapos ang 2021

NAGA CITY- Kumpiyansa ang Naga City na 100% vaccination rate na ang maaabot bago magtapos ang 2021.

Ito ang sinabi ni Mayor Nelson Legacion kasabay ng pagbubukas muli ng Plaza Rizal. Ipinagmalaki rin nitong sa Bicol Region 86% ang vaccination performance ng Naga na pinakamataas sa rehiyon.

Sa record ng City Events Protocol and Public Information Office o CEPPIO sa isang araw nakakapagbakuna ang lungsod ng mahigit isang libo, marami rin ang nagpapabakunang nasa pediatric population.

Sa huling tala  ng City Health mahigit 71 na libo na ang fully vaccinated. Ang ang iba ay nag-hihintay na schedule para sa kanilang second dose. Maging si Borja ay nakikita na ring maabot ang target  na 146-libo bago ang 2022 kung patuloy ang magandang pagkilos mula sa mga Barangay.

Kahapon zero case o walang naitalang kaso ng COVID-19 , sampu na lamang ang aktibong kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *