10,000 na mga kapulisan, ipinakalat na sa Central Luzon para sa darating na BSKE

Ipinakalat na ng Police Regional Office-3 ang 10,000 Philippine National Police (PNP) Personnel para sa seguridad ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Central Luzon sa October 30.

Pinangunahan ni Rev. Fr. PLTCOL Jonathan Chy ang pagbabasbas sa mga idedeploy na kapulisan.

Ayon sa PRO-3 upang palakasin ang seguridad sa mga polling precints, ang ilang personnel ay naka toka sa desk duties.

Samantala inanyayahan ni Police Brig. Gen. Jose S. Hidalgo Jr. PRO-3 director ang publiko na makipagtulungan sa kanila at magbigay ng mga impormasyon o mga kahina-hinalang aktibidad tungkol sa eleksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *