1,025 GIP beneficiaries ng DOLE region 2, idineploy na sa mga vaccination sites sa Lambak ng Cagayan

Idineploy na ng Department of Labor and Employment Regional Field Office 2 ang nasa 1,025 na Government Internship Program (GIP) beneficiaries sa mga vaccination sites sa rehiyon bilang suporta sa 3-day vaccination drive ng Department of Health Region 2.

Inihayag ni DOLE Regional Director Joel Gonzales sa press conference na ang mga idineploy na GIP beneficiaries sa rbuong rehiyon ay tutulong sa encoding ng data sa system na dinisenyo ng Department of Information and Communication Technology (DICT).

Aniya, ang mga aktibidades ng ahensya na sumusuporta sa vaccination drive ay nakatuon sa kapakanan, proteksyon at employment ng mga manggagawa partikular sa mga vulnerable sector na lubusang naapektuhan ng pandemya.

Dagdag pa ni RD Gonzales, umabot na sa 1,500 construction workers sa Lambak ng Cagayan ang nabakunahan na kontra covid-19 sa ilalim ng programang Reform, Rebound, Recover: 1 Million Jobs for 2021.

Samantala, nagpapatuloy naman ang isinasagawang inspeksyon at monitoring ng DOLE Region 2 sa mga business establishment upang matiyak ang pagsunod ng mga ito sa health and safety protocols.

Sa ngayon ay nasa 4,088 na establishimento na ang nasuri ng ahensya habang 391 naman ang sumailalim na sa inspeksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *