#KardingPH: Mga lugar na nasa ilalim ng Signal No. 5, dumami pa

Dumami pa ang mga lugar sa Luzon na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 dahil sa Super Typhoon Karding.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang mga ito ay ang Polillo Islands, extreme northern portion ng Quezon, extreme southern portion ng Aurora, eastern portion ng Bulacan, at ang extreme southeastern portion ng Nueva Ecija.

Nakataas naman ang Signal No. 4 sa Calaguas Islands, southern portion ng Aurora, northern portion ng Quezon, northern portion ng Metro Manila, central at southern portion ng Nueva Ecija, ibang bahagi ng Bulacan, Pampanga, northern at central portions ng Rizal, southeastern portion ng Tarlac, at ang extreme northern portion ng Laguna.

Signal No. 3 naman sa central portion ng Aurora, southeastern portion ng Nueva Vizcaya, ibang bahagi ng Nueva Ecija, ibang bahagi ng Tarlac, Zambales, Bataan, Pangasinan, ibang bahagi ng Metro Manila, ibang bahagi ng Rizal, northern at central portions ng Laguna, northern at central portions ng Cavite, ibang bahagi ng northern portion ng Quezon, at northern portion ng Camarines Norte.

Signal No. 2 ang nakataas sa southern portion ng Isabela, Quirino, ibang bahagi ng Nueva Vizcaya, Benguet, La Union, ibang bahagi ng Aurora, ibang bahagi ng Cavite, Batangas, ibang bahagi ng Laguna, central portions ng Quezon, ibang bahagi ng Camarines Norte, northern portion ng Camarines Sur, at Catanduanes.

Signal No. 1 naman sa southern portion ng Cagayan, ibang bahagi ng Isabela, southern portion ng Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, southern portion ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, ibang bahagi ng Quezon, northern portion ng Occidental Mindoro kabilang na sa Lubang Islands, northern portion ng Oriental Mindoro, Marinduque, ibang bahagi ng Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Burias Island, at Ticao Island.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *