11-anyos na batang babae, natagpuang patay sa Garchitorena, Camarines Sur        

CAMARINES SUR- Patay na at walang saplot nang matagpuan ang 11-anyos na batang babae sa madamong bahagi ng Tamiawon, Garchitorena, Camarines Sur.

Sa ulat na nakarating sa PNP, iigib ng tubig ang dalagita sa islang Barangay, pero gabi na hindi pa nakakauwi nitong Pebrero 11, 2024. Naghanap ang pamilya, pero kinabukasan halos gumuho ang kanilang dibdib sa nakita.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PEMS Elojio Biando, sinabi nitong tumungo ang mga otoridad at ang Scene of the Crime Operatives sa malayong isla. Pahirapan ang transportasyon kahapon dahil sa maalong dagat. Limitado pa ang impormasyong naibibigay ng PNP dahil kasalukuyan pang nag iimbestiga para sa kagarang pagkakatukoy at pagkakaaresto ng suspek.  Nagiging maingat din sa mga detalye dahil menor de edad ang biktima.

Hustisya ang isinisigaw ng pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *