11-anyos na batang Ukrainian, binaril sa mukha ng isang Russian soldier – report

Isang 11-anyos na batang babaeng Ukrainian ang nagpapagaling ngayon sa ospital matapos itong barilin sa mukha ng isang Russian soldier.

Ayon sa nanay ng biktima, nakakapagsalita naman ang kanyang anak pero mahina lamang ito ngayon dahil tinamaan ng bala ang panga nito na tumagos sa puno ng dila at lalamunan nito.

Sinabi ng ina ng biktima na lumikas sila palabas ng Mariupol kung saan ay hinarang sila ng Russian troops at kahit nakataas na ang kanilang mga kamay ay mayroon isinisigaw ang mga sundalo na hindi nila maintindihan hanggang sa barilin ng mga ito ang kanyang anak.

Ang biktimang ay isang gymnast pero sa ngayon ay nahihirapan pa siyang lumakad dahil sa nangyari sa kanya.

Sa ngayon ay nagpapagaling sa isang shelter ang biktima kasama ng pamilya nito at iba pang pamilya ng mga pasyente ng Childrens hospital na binomba ng Russian troops.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *