11 bagong ‘academic programs’, isinusulong ngayon sa Catanduanes State University

BNFM BICOL– Isinusulong ngayon ng pamunuan ng Catanduanes State University ang paglalagay ng mga karagdagan at bagong academic programs sa naturang unibersidad.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook post, masayang ibinahagi ni CatSU President Dr. Patrick Allain Azanza, na aprubado na ng board of regents para sa aplikasyon sa Commission on Higher Education ang 11 bagong academic programs ng institusyon.

Kinabibilangan ito ng mga sumusunod: Juris Doctor;  Doctor of Medicine;  MA in Nursing ;  BS Public Health; BS Radiologic Technologist; BS Medical Technology;  BS Marine Engineering and Naval Architecture; BS Marine Transportation; BS Forestry; BS Fisheries (major in Ocean Science) at BS Textile Engineering.

Dagdag pa ni Azanza, nagsagawa na rin sila ng pagpupulong kasama ang Executive Committee ng paaralan kung saan kanilang tinalakay ang aplikasyon ng mga nasabing kurso sa iba pang regulatory bodies.

Sa huli sinabi ng opisyal, na ang academic development ng unibersidad ay kailangang maisakatuparan kasabay ng pag-usbong ng infrastructure projects sa pinakamalaking unibersidad sa lalawigan ng Catanduanes.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *