11 hanggang 14 na bagyo, inaasahang papasok sa Pilipinas ngayong taon

Posibleng labing isa hanggang 14 na bagyo ang inaasahang papasok sa bansa hanggang sa katapusan ng taon.

Mas mababa ito sa karaniwang 18 hanggang 21 bagyo na pumapasok sa pumapasok sa Philippine Area of ​​Responsibility bawat taon.

Sabi ni PAGASA  Weather Specialist Aldczar Aurelio , dahil ito sa inaasahang epekto ng El Niño phenomenon.

Batay sa projections ng PAGASA, Hunyo hanggang Hulyo normal pa ang dami ng ulan na bubuhos sa bansa.

Pero kapag umiral na ang El Niño sa Agosto, unti-unti itong  bababa sa below normal sa Visayas, at sa Bicol at Caraga.

Sa Oktubre at Nobyembre, ay bababa na ang pag-ulan sa buong bansa.

Nangangahulugan ito, na sa panahon ng tinatawag na “Ber” months o panahon ng Amihan, magiging mainit ang panahon sa bansa.

Samantala, naghahanda naman ang National Water Resources Board sa pagbaba ng lebel ng tubig sa ilang dam.

Nauna nang umapela ang NWRB sa publiko na magtipid sa tubig.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *