11 malls sa bansa, pagdadausan ng BSKE

Handa na ang 11 malls ng Robinsons at SM sa bansa na pagdarausan ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30.

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson John Rex Laudiangco, kabilang sa 11 malls ang 8 Metro Manila malls tulad ng QC Galleria at SM Fairview.

Isasagawa naman ang early voting sa Muntinlupa at Cebu para sa mga buntis, persons with disability (PWDs) at senior citizens.

Handa na rin ang lugar na pagdarausan ng election para sa mga bilanggo, at maging sa EMBO barangays na nasa pangangasiwa na ng Taguig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *