11 na distrito sa NCR, nakapagpasa na ng mga lagda para sa People’s Initiative

Labing-isa nang mga distrito sa Metro Manila ang nakapagsumite ng kanilang mga lagda kaugnay ang People’s Initiative para sa Charter Change.

Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), ilan sa mga lagdang ito ay mula sa Makati, Maynila, Caloocan, Navotas, at Quezon City.

Batay sa datos ng Comelec, noong nakaraang linggo ay umabot na sa mahigit 800 ang natanggap nila mga signature forms mula sa iba’t ibang lungsod at munisipalidad.

Sa sandaling magkaroon umano ng pormal na petisyon, susuriin ng tanggapan ang mga pirma upang malaman kung talaga bang galing ang mga ito sa tunay na mga botante.

Patuloy namang hinihinmok ng ahensya ang publiko na agad na i-report sa kinauukulan kung sapilitan o pinipilit silang lumagda sa naturang signature forms para sa isinusulong na People’s Initiative.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *