11 pamilya – apektado ng sunog sa Brgy. San Isidro, Parañaque City

Nasa pitong bahay ang naging abo dahil sa sunog sa isang compound sa Brgy. San Isidro, Parañaque City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), 11 naman na pamilya – katumbas ng higit 50 inidibidwal ang naapektuhan ng sunog.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago naapula kahapon, alas 5:32 ng hapon.

Tinatayang nasa P45K ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

Isa naman ang napaulat na nasaktan matapos magtamo ng second degree burn sa braso.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng pagsiklab ng apoy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *