111 delta variant, naitala sa Calabarzon region; Project Delta inilunsad ng DOH4A

Batangas -Bumibilang na sa isang daan at labing isang kaso ng Covid19 delta variant ang naitala sa Calabarzon region.

Kinumpirma ito ni Department of Health Region 4A Director Dr. Eduardo Janairo kung saan ang higit isang daan bilang na ito ay may 41 mula sa Cavite, 35 sa Laguna, 14 mula sa Batangas ganundin ang bilang sa Rizal habang nasa pito naman ang nagmula sa Quezon province.

Sa mga nasabing kaso ng delta variant, nagpasubali naman ang opisyal na wala pa namang aktibong kaso sa mga ito dahilan sa 48 na ang nakarekober, 34 ang nasa ilalim pa rin ng verification, 27 ang naghihintay ng kanilang resulta ng ikalawang test habang dalawa ang namatay  sa mga ito.

Bunsod ng nasabing sitwasyon ay nauna nang inilunsad ng DOH4A ang Project Delta, ibig sabihin Detect Early Local Transmission through Antigen testing, dito isinasagawa ang mass testing sa mga lugar na natukoy na may direkjtang contact ng mga nauna nang kinakitaan ng delta variant.

Idiniin ng opisyal na kinakailangan na sa komunidad pa lamang ay malaman na kung sino ang mayroon upang maihiwalay at mabigyan na ng agarang gamut nang sa ganun ay hindi na kumalat at makahawa pa ng iba.

Sinabi pa Dr. Janairo, kinakilangan na mapalakas ang pagpapatupad pa rin ng prevent, detect, isolate, treat and re-integrate response strategies ng bansa laban sa Covid19 virus. Sa huli sinabi pa rin ni Dr. Janairo na kailangan doblehin ang pag-iingat upang maging ligtas, dapat istriktong sundin ang safety protocol, magpakuna na kung hindi pa nakatatanggap ng covid19 vaccine upang magkaroon ng karagdagang proteksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *