11,500 puno ng marijuana nabunot sa Tupi, SoCot

KORONADAL CITY — UMABOT sa 11,500 na puno ng pinaniniwalaang marijuana ang nabunot ng mga otoridad sa Sitio Magulo, Barangay Miasong, Tupi , South Cotabato.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay South Cotabato Police Provincial Office o SCPPO Provincial Director, PCol. Nataniel Villegas, tinatayang nasa P2.3 million ang halaga ng nasabing marijuana plant.

Kinilala naman ni Villegas ang umano’y cultivator ng mga marijuana na si Siano Dialang, nasa legal na edad at residente ng nabanggit na lugar.

Dagdag pa ni Villegas na agad namang sinunog sa nasabing lugar ang lahat na nabunot na mga marijuana plants habang kanila ng hinahanda ang kaukulang kaso laban sa cultivator.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *