12 kandidata, maglalaban sa Mutya ng Surallah 2023

KORONADAL CITY- DUMAAN sa masusing screening ang 12 mga kandidata ng Mutya ng Surallah 2023 na highlight ng month-long celebration ng Surallah Christmas Festival ngayong Disyembre.

Inihayag ni Municipal Tourism Officer Maylene Diesto na maliban sa kagandahan ng mga kandidata, tinutukan din nila ang kakayahan ng mga ito sa pagsagot sa mga tanong para sa interview portion upang makapag-compete sa Mutya ng South Cotabato pageant.

Umaasa si Diesto na sana’y makasungkit na ng korona sa Mutya ng South Cotabato ang bayan ng Surallah.

Ang Mutya ng Surallah 2023 ay isasagawa sa Surallah Gymnasium sa December 16. Kabilang sa 12 official candidates sanday Frences Irish Engane Otico sag Brgy. Naci; Aleia Marie Gonzaga ng Brgy. Dajay; Kris-Ann Balasabas ng Brgy. Canahay; Katrina Sabuero ng Brgy. Little Baguio; Britney Sagra ng Brgy. Libertad; Glory Fe Langaroto ng Brgy. Duengas; Pearl Joy Selubrico ng Brgy. Buenavista; Kyla Antenorio ng Brgy. Centrala; Jessa Mae Octaviano ng Brgy. Lambontong; Shenna Alejo ng PNP Surallah; Beth Mariscal ng Brgy. Upper Sepaka; at Novy Michelle Fegarido ng Chamber of Commerce Surallah Chapter.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *