12 LGUs sa Albay, nakakuha ng “high functional rating” sa illegal drugs campaign

LEGAZPI-Binigyan ng pagkilala ng Department of Interior and Local Government (DILG) para sa taong 2021 ang 12 na mga bayan at lungsod sa lalawigan ng Albay na naabot ang high functional rating.

Ayon sa PDEA Albay, ito ay iilan lamang sa aabot 65 na lugar sa Bicol na nakatanggap rin ng nasabing pagkilala.

Paalala nila sa mga lokal na pamahalaan na hindi nakasama sa listahan na mas tutukan at paigtingin ang mga programa kontra illegal na droga.

Patuloy kasi umano ang pagpapalabas ng national audit sa lahat ng Anti-Drug Abuse Councils (ADACs).

Kung sa record naman umano, mas bumuti ang lalawigan ngayon kumpara noong unang mga assetment na sinasabing bagsak partikular na sa drug clearing.

Panawagan naman niya sa mga nasabing LGUs na ipagpatuloy lamang ang magansang sinimula habang hinikayat nito ang iba pang LGUs na pagsumikapan pang maayos ang nasabing kampanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *