12,000 puno ng marijuana, nabunot sa Sultan Kudarat!

KORONADAL CITY — UMAABOT sa 12,000 na puno ng marijuana plants ang nabunot ng mga otoridad sa Sitio Alyong, Barangay Datalbiao, Sultan Kudarat.

Ayon kay Police Major Darwin Castillo, chief of police ng Columbio PNP, sinabi nito na nasa P2.4 milyon ang halaga ng nasabing marijuana plants.

Tinuturong cultivator naman ng nasabing marijuana plants si Leng Labuayan na wala sa lugar nang ginawa ang nasabing operasyon.

Sa ngayon hinahanda na ng Columbio PNP ang kaukulang kaso laban sa nasabing suspek.

Ipinasiguro naman ni Sultan Kudarat PNP Provincial Director Colonel Gilbert Tuzon, nanagpapatuloy ang kanilang operasyon laban sa mga illegal na droga at kriminalidad sa probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *