12th  Brigada Operation Tuli, umarangkada na!

Maagang dinagsa ng mga magulang kasama ang kanilang mga anak ang iba’t ibang venue ngayong araw kung saan nagsasagawa ng Nationwide Brigada Operation Tuli 2023.

Libre ito para sa mga bata, maging sa mga matatandang gustong magpa-tuli, at ngayong 2023 ito na ang pang-labingdalawa taong pagsasagawa ng programa at kasama na rin ang libreng gamot.

Nasa 250 ka tao sa bawat estasyon ng Brigada FM na may Brigada Operation Tuli ang target na beneficiary ngayong araw, July 29, 2023.

Isang linggo bago ang programa nagsagawa na ng pre-registration ang iba’t ibang Brigada FM stations para sa mas maayos na proseso ng pagsasagawa ng tuli.

Maliban sa libreng tuli may mga pakulo at freebies din na ibinibigay tulad ng sombrero, mugs, t-shirt at iban pang Brigada merchandises.

Malaki ang pasasalamat ng Brigada Group kasama ang Brigada Foundation Inc.,  Brigadahan 1Tahanan at Brigada News FM Station nationwide, katuwang ang mga ahensiya na nakiisa sa programa na kinabibilangan nga LGUs, NGOs, private establishments, donors, at mga indibiduwal na nagbigay suporta lalong lalo na sa mga volunteer-doctors at nurses.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *