13 kolehiyo sa Region 12, pinapayagan nang magsagawa ng face-to-face classes

KORONADAL CITY- BINIGYAN na ng authority ng Commission on Higher Education o CHED Region 12 ang 13 mga higher education institutions o HEI sa Soccsksargen na nag-aalok ng mga health-related programs na magsagawa ng limited face-to-face classes.

Kabilang sa mga ito ang Cotabato Medical School Foundation, Inc., Notre Dame of Midsayap College, North Valley College Foundation, Inc., Sultan Kudarat State University, Sultan Kudarat Educational Institution, Southern Mindanao Institute of Technology, Southern Baptist College, VMC Asian College Foundation, Inc., St. Alexius College, Southern Christian College, University of Southern Mindanao-Kabacan campus, Brokenshire College of Socsksargen at General Santos Doctors Medical Foundation Inc.

Ang naturang mga paaralan ay nag-aalok ng mga kurso o programa tulad ng medicine, medical technology, physical therapy, nursing, at midwifery na kinakailangan sa manpower ng local health systems sa gitna ng COVID 19 pandemic.Inihayag ni Nelia Alibin, regional director ng CHED 12 na ang application ng mga ito ay naaprubahan para sa susunod na academic year, 2021-2022 para sa dalawang semesters. Napag-alaman na nagsagawa ng serye ng evaluations ang CHED sa kapasidad ng naturang mga unibersidad at kolehiyo sa pagsasagawa ng physical classes sa gitna ng pandemya.

Sinuri din ng komisyon ang compliance ng mga ito sa mga requirements na itinakda sa Joint Memorandum Circular No. 2021-001 ng CHED at Department of Health (DOH).Napag-alaman na 18 mga private at public colleges at universities sa rehiyon ang nag-aalok ng mga health-related programs, ngunit 13 lamang ang nakapagsumite ng formal application at documentary requirements sa pagsasagawa ng face-to-face classes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *