Local News

13 LGUs sa region 12, SGLG awardees

KORONADAL CITY- GINAWARAN ng 2022 Seal of Good Local Governance (SGLG) ang 13 mga local government units sa Soccsksargen region.

Sa inilabas na listahan ng Department of the Interior and Local Government o DILG, isa sa mga awardees ang Provincial Government ng Sultan Kudarat, na nag-iisang probinsya sa rehiyon na nakatanggap ng seal.

Kabilang naman sa mga munisipyo na binigyan ng naturang award ang Alabel, Malungon at Maasim sa Saranggani province; Magpet at Kidapawan City sa Cotabato province; Surallah at Tupi sa South Cotabato; Colombio, Bagumbayan, Lutayan at Tacurong City sa Sultan Kudarat; at General Santos City.

Upang maging SGLG awardee, kailangan ng LGU na maipasa ang 10 areas of governance: ang Financial Administration & Sustainability; Disaster Preparedness; Social Protection & Sensitivity; Safety, Peace and Order; Health Compliance and Responsiveness; Sustainable Education; Business Friendliness & Competitiveness; Environmental Management; Tourism, Heritage Development, Culture and the Arts; at Youth Development.

Ang SGLG ay ang highest recognition at isa sa prestihiyosong award na ibinibigay ng DILG sa mga excellent at performing LGU’s sa delivery ng public service .

Sa buong bansa, umabot sa 350 na mga LGU ang pasado sa SGLG ngayong taon na kinabibilangan ng 272 mga munisipyo, 60 mga lungsod, at 18 mga probinsya.

Ang mga passers ay entitled ng package of incentives upang itustos sa kanilang mga local development initiatives at access sa iba pang mga programa at capacity development assistance mula sa DILG.

BNFM Koronadal

Recent Posts

Xian Lim, kinumpirma ang relasyon kay Iris Lee

Kumpirmadong nang may relasyon sa pagitan ng aktor na si Xian Lim at film producer…

28 mins ago

Karl Yulo, pinangunahan ang PH team sa Pacific Rim Championships sa Colombia

Pinangunahan ng gymnast na si Karl Eldrew Yulo ang Philippine Artistic Gymnastics team matapos makapaguwi…

30 mins ago

10, patay sa malawakang pagbaha sa Brazil

Hindi bababa sa sampu ang nasawi sa katimugang estado ng Rio Grande do Sul ng…

36 mins ago

Ex-convict nga giingong wala nibayad sa gikuha nga illegal nga drugas , gipusil-patay

Patay diha-diha dayon ang usa ka lalaki human gipauwanan kinig  bala kay matud pa wala…

4 hours ago

Chinese diplomat – ipinatawag ng PH matapos ang water cannon bombing incident

Ipinatawag ng Department of Foreign Affairs si Zhou Zhiyong mula sa embahada ng China sa…

10 hours ago

Deniece Cornejo at Simeon Raz – nasa kustodiya na ng mga otoridad

Isinailalim na sa medical at booking procedure sina Deniece Cornejo at Simeon Raz - dalawa…

10 hours ago