13 local hospital bill na inisponsoran ni Go, pasado na sa final reading ng Senado

Aprubado na ng Senador sa ikatlo at huling pagbasa ang 13 local hospital bills na inisponsoran ni Senator Christopher “Bong” Go.

Kaugnay nito, nagpasalamat si Go sa kanyang mga kapwa senador dahil sa kanilang suporta sa panukala, maging si Senate Minority Leader, Senator Frank Drilon dahil umano sa kanyang tulong at dalhin sa atensyon ng Senado ang isyu ng devolution ng health services na kailangang masusing mapag-aralan.

Sa gitna naman nito, muling iginiit ng chairman ng Senate Committee on Health, ang kanyang dedikasyon na gawin ang kanyang responsibilidad bilang senador.

“Sa totoo lang po, kahit araw-araw po akong maghi-hearing dito sa Senado, wala pong problema. Kahit ginagawa na nang boxing match ng ating Majority Floor Leader, basta po sa kapakanan ng ating mga kababayan,” saad ni Go.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *