International

13 sibilyan patay sa ambush ng Indian security forces

Napatay ng Indian security forces ang 13 sibilyan sa isang ambush malapit sa Myanmar border.

Ayon sa report, napagkamalan ng army patrol ang mga minerong pauwi na matapos ang kanilang trabaho at pinagbabaril ang mga ito kung saan pito ang nasawi habang ang pitong iba pang sibilyan at isang Indian soldier ay napatay nang gumanti ang mga nagagalit na locals sa lugar.

Ikinagalit naman ito ni Home Minister Amit Shah kung saan nangako siyang iimbestigahan ang nasabing pangyayari.

Napag-alaman na ilang taon na ding nilalabanan ng Indian army ang separatist militants sa north-eastern state ng Nagaland pero hindi ito ang unang pagkakataon na inakusahan sila ng pagkakamali sa pag-target ng mga inosenteng residente sa lugar.

Inihayag naman ng chief Minister ng Nagaland na “highly condemnable” ang insidente at nangako ito ng malalimang imbestigasyon

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago