Indonesian fans, nag-adopt ng baby turtles para kay Daniel Padilla

Nagpakita ang aktor na si Daniel Padilla ng suporta para sa mabuting gawain ng kaniyang fans sa Indonesia para sa Inang Kalisakasan.

Sa Instagram story ng aktor ay ibinahagi niya ang post ng kadreamers_indonesia kung saan ay makikita na winelcome ng kaniyang fans ang pag-hatch ng 119 turtle eggs.

Mababasa rin sa caption ng post, “Yeayyyy welcome to the world baby turtles!! Say hi to your daddy @supremo_dp. Pls stay healthy until you are released into the sea.

Mababatid na ginawa ang adoption ng baby turtles sa Sabsa Asri Turtle Conservation sa Bali.

Una nang nagtanim ang KaDreamers Indonesia ng 266 na puno na dedicated para kay Kathryn Bernardo.

Pinasalamatan naman kaagad ni Kathryn ang efforts ng kanyang fans mula sa karatig na bansa sa pamamagitan ng pag-retweet ng kanilang magandang gawain.

Sa caption ng tweet ay sinabi ni Kathryn, “YOU’RE THE BEST GUYS!!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *