139 opisyal ng NFA suspendido dahil sa umanoy illegal na bentahan ng bigas

Nalagas ang pamunuan ng National Food Authority matapos na patawan ng anim na buwang suspension ng Office of the Ombudsman sina National Food Authority Administrator Roderico Bioco at 138 pang opisyal dahil sa pagkakasangkot umano nito sa palugi ng presyo sa bentahan ng bigas ng ahensya.

Kinumpirma ito ni Department of Agriculture Francisco Tiu Laurel Jr. nitong Lunes.

Kabilang din sa sinuspende sina NFA Assistant Administrator John Robert Hermano at iba pang regional managers at warehouse supervisors.

Samantala, si Laurel muna ang mamumuno sa NFA hangga’t hindi pa natatapos ang suspension ng mga naturang opisyal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *