14 na barko ng China namataan sa WPS

Namataan ang 14 barko ng China sa 5 features ng West Philippine Sea na okupado ng mga tropang Pinoy doon.

Ayon kay PCG Commodore Roy Vincent Trinidad isang barko ang nakapaligid ng Pag-Asa Island.

Habang may isa rin sa Ayungin Shoal at ang iba naman ay namataan sa mga isla ng Panata, Kota, at Parola.

Nilinaw din ni Trinidad na hindi isa kundi dalawang barko ng Chinese Navy ang bumuntot sa barko ng Philippine Navy at US Navy na kalahok sa katatapos na maritime cooperative sa WPS.

Hindi naman aniya nanggulo ang barko ng China sa naturang aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *