14 na rehiyon sa PH, nagtala ng pagbaba sa bilang ng mga isinagawang RT-PCR tests

Nakapagtala ang 14 na rehiyon sa bansa ng pagbaba sa bilang ng RT-PCR tests na isinagawa sa nakaraang linggo, kumpara noong dalawang linggo na nakaraan.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang daily tests sa Pilipinas ay bumaba ng 11.8% na may current 7-day moving average na 69,055 tests.

Giit ni Vergeire, ang National Capital Region ang mayroong steepest decline, mula sa nakaraang 266,042 tests na isinagawa sa 37,383 tests.

Dahil dito, bumaba rin ang bilang ng mga positive cases mula sa 48,229 sa 35,603.

Kaugnay nito, sinabi ni Vergeire na ina-assess pa nila ang mga dahilan para sa naturang pagbaba at kung ito ay sumasalamin sa totoong pagbaba sa mga kaso o apektado ng ibang factors gaya ng nagpapatuloy na active case finding at contact tracing at ang paggamit ng rapid antigen test. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *