15-anyos na suspek sa pagpatay sakanyang pamangkin na natagpuang nakasilid sa washing machine sa Las Piñas, inaming idolo umano si Jeffrey Dahmer

NASA kustodiya na ng City Social Welfare ang 15-anyos na suspek sa pagpatay sa apat na taong gulang na pamangkin sa Las Piñas na natagpuang wala nang buhay sa loob ng isang washing machine.

Ang suspek, iniidolo umano si Jeffrey Dahmer – ang American Serial Killer na isinapelikula ang kwento ng isang streaming site.

Batay sa ulat ng mga otoridad, naaagnas na ang bangkay ng biktima nang ito ay matagpuan sa loob ng washing machine nang mismong nanay ng suspek.

May tama sa ulo ang bata, indikasyon na ito ay pinalo ng isang matigas na bagay, habang base sa mga lawarang kinuha nang suspek nang gawin ang krimen, tinangka pa nitong lunurin ang bata.

Sa kasalukuyan, hihintayin pang tumuntong sa wastong edad ang suspek bago litisin sa kasong murder at ilipat sa bilangguan.

Isasailalim din ito sa psychiatric evaluation.

Paaalala naman ng mga eksperto sa mga magulang, bantayan ang mga anak at gabayan sa mga pinapanuod at nakikita online.### JDR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *