15 katao patay matapos malason sa kinain lugaw sa Namibia

Labinglima katao ang patay matapos malason sa kinaing lugaw sa Kavango East, Namibia.

Sa ulat ng local media, ang mga biktima ay kabilang sa isang pamilya na agad na isinugod sa ospital matapos ang kanilang hapunan noong Sabado.

Nakakain daw ang mga ito ng lugaw na gawa sa cereal residues mula sa inuming may alcohol.

Dahil sa naitalang bilang ng mga namatay, itinuturing ito ng Namibia na pinakamalalang kaso ng food poisoning sa bansa.

Binuksan na ng mga awtoridad ang pagsisiyasat sa insidnete at hinihintay ang resulta ng autopsy at lab test sa mga biktima.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *