15 mga street children at isang adult na rescue sa Naga City

NAGA CITY –Nadagdagan na naman ang bilang ng mga nasa children’s home ng Naga City matapos na makapag rescue ng 15 mga street children ang mga personahe ng City Social Welfare and Development Office sa dalawang araw nilang operasyon.

Ang mga bata ay namamalimos at pakalat-kalat sa may bahagi ng Magsaysay Avenue, Panganiban Avenue ang iba sa kanila ay nagtitinda kunwari ng mga basahan.

Batay sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Gloria Rodriguez, admin aide 1 ng CSWDO, sinabi niyang “front” lang ng mga bata ang dalang basahan na itinitinda, subalit namamalimos ang mga ito at kung hindi nabibigyan ay nang-aaway at nandudura pa.

Ayon kay Rodriguez, ang dahilan daw ng mga bata ay pambaon ng mga ito sa klase at alam diumano ng mga magulang nila ang ginagawang pamamalimos.

Ang mga batang na rescue sa umaga ay mga tumakas lamang sa kanilang paaralan at iyong mga na rescue naman sa gabi ay tumakas naman sa kanilang mga bahay. Sinabi ni Rodriguez na may inihatid pa sila sa labas ng Naga City. Ang na rescue namang adult ay nanay ng isa sa mga batang namamalimos.       

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *