15, patay; habang tatlo nakaligtas sa sunog sa isang establisimento sa Quezon City

Kinumpirma ng Bureau of Fire Protection na labing lima katao ang nasawi habang tatlo naman ang nakaligtas sa sunog sa isang pagawaan ng t-shirt sa Kennedy Drive sa Pleasant View Subdivision sa Brgy. Tandang Sora, Quezon City kaninang umaga.

Ayon sa BFP , kabilang sa nasawi ang isang 3 taong gulang na batang babae.

Itinaas ng BFP ang unang alarma kaninang 5:30 ng umaga, alas 8:04 naman nang maideklara itong fireout.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng BFP sa pinagmulan ng sunog.

Patuloy din ang ginagawang identification ng PNP SOCO sa mga nasawing indibidwal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *