15 patay matapos tamaan ng airstrike ng Russia ang isang apartment block sa Eastern Ukraine

Patay ang 15-tao matapos tamaan ng airstrike ng Russia ang isang apartment block sa Eastern Ukraine na Donetsk region .

Ayon sa Ukrainian authorities, nangangamba silang mayroon pang mga na-trapped sa ilalim ng mga guho.

Inihayag ng State Emergency Service na natagpuan ang bangkay ng mga biktima sa mga guho habang pinaniniwalaang mayroon pang mga hindi nari-recover.

Masaya namang ibinalita ng mga rescuers na mayroon silang na-establish na communication sa tatlong biktima na na-trapped sa gumuhong gusali.

Tinatayang nasa 24 na tao pa kabilang ang isang bata ang nasa ilalim pa ng mga guho. (LEO NAVARRO – MALICDEM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *