155 errors sa learning materials, nadiskubre ng DepEd

Umabot sa 155 ang bilang ng nadiskubreng mali sa learning materials ng Department of Education (DepEd).

Sa briefing ng Kamara ngayong araw, sinabi ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, sa una ay 163 ang naiulat na errors sa learning materials mula October 2020 hanggang June 2021, pero nang dumaan ito sa validation, bumaba na ang bilang sa 155. 

Ayon kay San Antonio, 100 sa mga maling ito ay locally-developed materials, at inirefer na nila sa division office level ang paglalabas ng errata sa mga mali. 

Aniya, nag-isyu na rin ang DepEd ng notes sa mga guro na tugunan ang mga maling ito.

Dagdag ng opisyal 20 sa mga nadiskubreng errors ay mula sa di tukoy na sources. 

Samantala, ibinunyag ng isang resource person na mayroong isang vulgar word ang nakalusot sa learning materials ng DepEd sa gitna ng distance learning scheme. 

Ipinakita ni Antonio Calipjo-Go sa mga mambabatas ang nakalagay sa isang module para sa mga estudyante sa Pampanga tungkol sa kahulugan ng salitang “aswang” kung saan may nakasulat na salitang “k*ntot” na ang ibig sabihin ay pagtatalik. 

Sinabi naman ni San Antonio na di katanggap-tanggap ang pagkakamaling ito at ni-recall na ang module noong Pebrero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *