16 na players dumalo sa national volleyball team tryouts

Dumalo si Jaja Santiago at ang 15 iba pang mga manlalaro sa national team tryouts na inilunsad ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa Subic, Zambales.

Ayon sa PNVF, kabilang sa mga dumalo sa tryouts ay mga Southeast Asian Games players gaya nina Aby Maraรฑo, Majoy Baron, Myleen Paat at Eya Laure.

Dumating din sa tryouts ang mga veteran players na sina Iris Tolenada, Ria Meneses, Dell Palomata, at ang collegiate standouts na sina Kamille Cal, Mhicaela Belen, Ivy Lacsina, at marami pang iba.

Mababatid na nasa kabuoang 40 players ang naimbitahan para sa women’s indoor volleball tryout.

Gayunman, sinabi ni PNVF national team commission na marami ang tumanggi dahil sa mga rason na may kinalaman sa COVID-19.

Kabilang anya sa mga tumanggi sa tryouts ay ang mga plyers ng PVL club teams na sumasailalim na ngayon sa bubble training.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *