Patay ang 16 na tao habang sugatan ang anim matapos mag-crash ang eroplanong sinsasakyan ng mga parachute jumpers sa Tatartan region sa Russia.
Ayon sa Health Ministry, bumagsak ang L-410 Turbolet twin-engine short-range transport aircraft sa lungsod ng Menzelinsky kung saan may sakay itong 20 parachutists at dalawang crew.
Kasalukuyan pang inaalam ng mga otoridad ang dahilan ng pagbagsak ng eroplano habang kritikal pa rin ang kondisyon ng anim na ibang biktima.
Samantala, una nang naghigpit ng standards ang Russian aviation sa mga nakalipas na panahon pero maraming aksidente pa rin ang nangyayari sa mga nakalipas na taon lalo na sa mga “remote areas”.
Sa katunayan, noon lamang Hulyo ay nag-crash din ang Antonov twin-engine turboprop kung saan 28 na tao na sakay nito ang namatay.
Simula bukas ay maguumpisa na ang 'Car-free Sundays' sa Maynila, 'o 'yung pagbabawal sa mga…
Wala umanong itinatago si dating Philippine National Police (PNP) chief Retired PGen. Oscar Albayalde sa…
Sinagot ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Bienvenido Laguesma ang naging paratang ni…
Tumama sa earth ang pinakamalakas na solar storm sa nakalipas na 2 dekada. Dahil dito…
Ibinunyag ni Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela ang…
Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naulila ng isang 10-anyos na…