Luzon

COMELEC Naga at Camarines Sur nakahanda sa pag-arangkada ngayong araw ng voter registration extension

NAGA CITY- Aarangkadang muli ang pagpaparehistro ng mga botante ngayong araw, Oktubre 11, 2021 hanggang sa ika-30 ng buwang kasalukuyan.

Kaugnay nito tiniyak ng Commission on Election-o COMELEC Naga ang kanilang kahandaan.  Sa panayam ng Brigada News FM kay  COMELEC Officer Atty. Mico Julia, sinabing mayroon nang mahigit 106-libong nagparehistro sa lungsod at inaasahang madaragdan pa ng walong libo mula Hunyo na bina-validate pa at madaragdagan pa ng mga bagong magpaparehistro simula ngayong araw.

Ibinahagi rin ni Julia na magkakaroon sila ng satellite registration sa mga malls maliban sa dating pwestong Robinsons Mall at main office sa may City Hall.

Si Julia ay siya ring nagsisilbing spokesperson ng COMELEC Camarines Sur kaya payo nito sa publiko magparehistro mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon upang hindi na magsiksikan sa huling mga araw ng Oktubre.

Katuwang dito ng COMELEC ang PNP at mga force multiplier upang maipatupad ang safety and health protocols.

BNFM Naga

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

18 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

18 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

18 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

18 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

18 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

19 hours ago