168 na indibidwal  sa Camarines Norte nabakunahan kontra COVID- 19 bago matapos itong linggo

CAMARINES NORTE- Umaabot sa 168 na indibidwal sa Camarines Norte ang nabakunahan kontra COVID- 19 bago matapos itong linggo.

Pinakamarami ang naitalang nabakunahan sa Mercedes na mayroong 72 habang may 45 naman sa Daet.

Kapwa may labing anim naman sa Vinzons at Labo, sampu sa Jose Panganiban, walo sa Talisay at isa sa San Vicente.

Ang mga bayan na hindi nagbakuna ngayong linggo ay ang Basud, Capalonga at San Lorenzo Ruiz habang wala namang report ang Paracale at Sta Elena.

Ang Paracale at Sta Elena ang may pinakamababang over- all accomplishment ng COVID- 19 sa buong lalawigan.

Ang naturang mga datos ay mula Lunes hanggang Huwebes.

Noong Huwebes lang ay 49 ang nabakunahan na karamihan ay booster dose na may 22.

Siyam naman ang second dose at sampu ang tumatanggap pa lang ng pinaka unang dose.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *