17-anyos na lalaki, patay matapos suntukin sa leeg

Patay ang isang 17-anyos na lalaki matapos suntukin sa leeg ng kapwa nitong menor-de-edad habang naglalakad kasama ang mga kaibigan sa Rosario, Cavite.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, posibleng selos ang pinag-ugatan ng away at napagbuntunan ng galit ang biktima.

Paliwanag naman ng suspek, isang beses lamang nito sinuntok at ikinagulat niyang binawian ito ng buhay.

Nasa kustodiya na ng Rosario Municipal Police Station ang salarin at nahaharap sa kasong homicide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *