17 bahay – wasak sa ipo-ipo sa Zamboanga City

Higit 17 mga kabahayan ang nawasak dahil sa Ipo -Ipo na tumama sa Isla ng Sacol sa Barangay Pasilmanta dito sa Lungsod ng Zamboanga.

Ayon sa report na nakalap ng 89.9 Brigada News FM Zamboanha nangyari umano ang incidente dakong alas 11 ng gabi ng bigla umano sumama ang panahon at nakaranas ng malakas na Ipo-Ipo ang mga residente.

Dahil sa insidente nawasak ang 17 kabahayan na gawa sa kahoy at tatlo umano rito ang sumama dahil sa malakas na hangin at 14 naman ang partially damage.

Agad namang nakipag ugnayan sa City Socia Welfare and Development Office ang Barangay Council ng nasabing Isla , upang mabigyan ng tulong ang mga naapektuhan na pamilya.

Ayon naman sa otoridad wala naman umanong nasaktan sa insidente , ngunit umabot sa 300 libong piso ang halaga ng nasirang propyedad sa nangyaring Ipo-Ipo.(KATHRINA ANIÑON)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *